Ang mga kagandahan sa Hong Kong

Ang pinakamagandang lugar para sa turista na may kasamang bata ay ang Disneyland dahil doon mahihigitan ang mga inaasahan. Bawat masasakyan doon may dalang saya at masasabing nag iisa lamang ito sa buong mundo. Walang kapareho.

Pag sapit ng gabi sa Disneyland may mga magandang maipapakita ito. May mga paputok sa langit, parada ng mga “cartoons”, at mga magagaling na mananayaw.

Paputok ng Disneyland sa Hong Kong
Parada sa Disneyland ng Hong Kong

Kaya sila nag paparada ng gabi kasi ang sinabi ni Disney “Paint the Night”. Kaya naman ang ipinakita sa parada ay napaka ganda, napaka angas ng kanta, napaka ayos ng daloy ng parada, bukod sa lahat napakasigla at masaya ang mga taong mananayaw sa parada.

Sunod na mapag uusapan ay ang kung saan naman ang lugar ng turista na may kasamang mahilig sa masarap na pagkain at sa may magandang tanawin at ito ay ang Jumbo Floating Restaurant

Jumbo FLoating Restaurant

Ang magandang maipapakita nito ay ang mga tanawin habang papunta sa Jumbo Floating Restaurant sa Hong Kong. Dahil puno ng barko sa paligid ligid.

Tanawin papunta sa kainan

Sa larawang ito ay puno ng ganitong barko at may ibang mga yacht na naka takip.

Mga nakatakip na mga Yacht

at para naman sa itsura ng Jumbo Floating Restaurant naman.

Nakakaakit ng mata ang gusaling iyan dahil ang garbo, angas, kakaiba, organisado, malinis, at napaka disiplinado ng pagkakatrato sa tubig dagat.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started